Umabot na sa mahigit 77.5 million doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa Pilipinas.
Batay sa PH vaccine tracker hanggang nitong November 24, mahigit 34.1 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Mahigit 829,000 doses kada araw na ang average na bilang ng mga bakunang naituturok sa bansa mula noong November 2.
Ayon pa sa pinakahuling datos ng pamahalaan, aabot na sa 135,161,900 COVID-19 vaccine doses ang kabuuang bilang ng mga bakunang dumating sa Pilipinas.
Nasa 107,204,830 doses ang na-ideploy na mga bakuna sa ibat’ ibang bahagi ng bansa. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45), sa panulat ni Hya Ludivico