Tinanggap ng Department of Health (DOH) ang nasa mahigit 100 milyong halaga ng anti-TB medicines at equipment na mula sa gobyerno ng Amerika.
Ang nasabing donasyon ay ibinigay sa pamamagitan ng United States Agency for Intrnational Development (USAID) at ng Stop TB Partnership sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang sa donasyong dumating ay ang walong ultra portable chest x-ray machines, 38 portable rapid diagnostic machines at video observed treatment (VOT).
Samantala, nasa 19,000 TB patients naman ang inaasahang mabebenepisyuhan ng mga naturang kagamitan na makapagbibigay ng short course medicine para sa pagpigil sa 30 indibidwal.
Dahil dito, target ng pamahalaan na masuportahan ang TB services sa lugar ng Valenzuela City, Tarlac, Bataan, Cebu , Laguna at Cotabato.