Magkakaroon ng water interuption mula 11 ng gabi ngayong araw hanggang 5 ng madaling araw bukas, Nobyembre 26.
Sa abiso na inilabas ng Manila Water, mawawala ng ilang oras ang suplay ng tubig dahil sa isasagawang pagpapalit ng Valve-operating gear box sa Shaw Boulevard sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong.
Maapektuhan ng nasabing maintenance works ang higit tatlumpu’t-walong kabahayan at establisyemento sa 13 barangay sa Mandaluyong at isang Barangay sa San Juan.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Addition Hills, Hulo, Mauway, Barangka Drive at Greenhills sa San Juan City.
Kaugnay nito sinabi rin ng manila water na naka-iskedyul din ngayong linggo ang maintenance activities sa lungsod ng Pasig, Q.C., Jala-Jala, Taytay, Rodriguez at Binangonan, Rizal.
Inaabisuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig.—sa panulat ni Joana Luna