Nasa 35 ang naitalang nasawi habang 30 pang indibidwal ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos mawala sa malawakang pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan sa South India.
Ayon sa national and state disaster team, nasira ang mga bahay at binaha ng hanggang baywang ang ilang mga kalsada dahilan para lumikas ang nasa limamput walong libong residente sa dalawandaan at siyamnaput apat na relief camps sa lugar.
Dahil dito, gumamit na ang mga opisyal ng gobyerno ng mga water pumps o pambomba upang maubos ang tubig sa ilang komunidad. —sa panulat ni Angelica Doctolero