Hinarang ng Office of the Solicitor General ang mosyon ni Rappler CEO Maria Ressa sa Court of Appeals na payagan siyang bumiyahe mula December 8 hanggang 12, ngayong taon papuntang Norway.
Matatandaang si Maria Ressa ay kabilang sa mga gagawaran ng Nobel Peace Prize kasabay ng death anniversary ng founder ng award-giving body at Swedish Industrialist na si Alfred Nobel.
Napiling awardee ang batikang journalist dahil sa kanyang “Courageous Fight for Freedom of Expression” sa bansa.
Ayon sa SolGen, walang naihaing sapat na argumento si Ressa para patunayang may “necessity” at “urgency” ang kaniyang dadaluhang awarding ceremony.
Dahil dito, dadalo nalang sa video conference si Ressa matapos hindi payagang makaalis ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero