Pinaalalahanan ng Philippine Consulate ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na pinagbabawal ng gobyerno ng Hong Kong (HK) ang paggamit ng mask na may valve sa mga quarantine facilities.
Ito’y kasunod ng ulat na ang naturang uri ng mask ang naging sanhi ng hawaan ng COVID-19 sa isang quarantine facilities dito.
Partikular na ang nangyaring insidente sa Regal Hotel kung saan isa sa naka-quarantine ay gumamit ng mask na may valve at nagbukas ng pinto na naging dahilan ng hawaan ng COVID-19.
Sa ngayon, may mangilan-ngilan pa rin na Filipino Domestic Workers ang nagpopositibo sa infection pagdating sa Hong Kong.