Hindi maaaring maglabas ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng drug testing result sa publiko partikular na sa media.
Ito’y bunsod sa mga kandidatong dumulog sa ahensiya para sumailalim sa drug testing.
Sinabi ni PDEA Spokesperson Director Derrick Carreon, hindi pwedeng ilabas ang resulta dahil confidential ang ganitong bagay.
Ayon pa kay Carreon, naka depende na lamang sa mga kandidato at requesting party kung kanilang ilalabas ang naturang resulta ng drug testing.
Matatandaang, sumailalim ang ilang kandidato para sa 2022 National and Local Election sa drug testing sa pdea upang ipakita sa publiko na kaisa sila sa kampanya iligal na droga.