Required na ang vaccination card sa mga nais pumasok sa mga mall sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Alinsunod ito sa kautusan ng lokal na pamahalaan kung saan ang mga hindi bakunadong indibidwal ay kailangang sumalang sa antigen COVID-19 test upang makapasok sa naturang establisyemento.
Sinabi naman ng isang opisyal ng isang mall na posibleng mabawasan ang mga papasok sa mall ngunit mas mabuti na rin umano ito bilang bahagi ng pag-iingat sa hawaan ng COVID-19.
Ayon naman sa isang opisyal ng local vaccination operation center, ang pag-oobliga ng antigen test ay paraan rin upang mamonitor ang mga tinatamaan ng virus na hindi pa bakunado. —sa panulat ni Hya Ludivico