Muling nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag maging ‘choosy’ o mapili sa brand ng COVID-19 vaccine.
Ito’y bilang bahagi ng paghahanda sa National Vaccination Day kung saan nagsagawa ng pagpupulong ang DOH sa mga local officials ng buong bansa upang tulungan na maipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ang panawagan ay kasunod ng ulat na mahigit 37,000 ng bakunang Sinovac sa Quezon Province ang pinangangambahang maburo dahil ayaw ng mga residente na maturukan ng nasabing chinese-made vaccine. —sa panulat ni Airiam Sancho