Nasa 50 negosyante sa Cebu ang nagpahayag na ng suporta sa pagsusulong ng BBM-Sara uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City.
Karamihan sa mga sumusuporta, na small and medium entrepreneurs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ay bumuo ng samahan na tinawag nilang Businessmen ng Bayan Movement of the Philippines o BBM.
Kumpiyansa si Benjie Hortelano, pangulo ng BBM, na muling sisigla ang ekonomiya sakaling manalo bilang presidente si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 elections.
Ipinagmalaki rin ni Hortelano na inaasahan nilang aabot pa sa 1000 ang kanilang mga miyembro sa mga susunod na araw.
Nagpasalamat naman si Marcos at runningmate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa kanilang supporters at inihayag na ang nakalipas na ‘unity ride caravan’ noong isang linggo ay indikasyon ng kahandaan upang makamit ang pagkakaisa.
Hinimok din ng dating gobernador ng Ilocos Norte na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng mensahe ng pagkakaisa upang makaraos sa krisis dulot ng pandemya.