Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang National Bicycle Organization ang pagdiriwang ngayong taon ng National Bicycle Day (NBD) bukas.
Layunin ng Bicycle Day, na i-promote at isulong ang cleaner air sa pamamagitan ng pagbibisikleta bilang environment-friendly na uri ng transportasyon.
Ang naturang aktibidad ngayong taon ay may temang Cleaner Air Through Bicycle-Friendly Philippines.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, bagaman nasa ika-pitong taon na ang pagdiriwang, ito ay kauna-unahang beses na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 ang ika-apat na linggo ng Nobyembre kada taon bilang National Bicycle Day.
Sa Presidential Proclamation 1052 noong November 18, 2020, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na tangkilikin ang bisikleta bilang “sustainable and environment-friendly” na paraan ng transportasyon.
Bilang bahagi ng 2021 NBD Celebration, magkakaroon ng 26-kilometer bike parade na tatawaging “A Celebration for the Presidential Proclamation 1052 Declaration” na sisimulan sa DENR grounds sa Quezon City at magtatapos sa Centennial Park, Barangay Bagumbayan North, Navotas City. —sa panulat ni Drew Nacino