Nagsisilikas na ang daan-daang dayuhan sa Ethiopia sa gitna ng tumitinding Civil War.
Karamihan sa mga nag-a-alisan ay mga Briton, Pranses at mga empleyado ng United Nations sa kabisera na Addis Ababa.
Ayon sa UN, mahigit 1,000 French National na ang nakatakdang umalis anumang oras sa Ethiopia.
Nananawagan naman ang France sa kanilang mga mamamayan sa Ethiopia na agad magpasaklolo sa French Foreign Ministry sa pamamagitan ng kanilang embahada sa kabisera
Sa pinakahalong impormasyon mula sa UN, namemeligrong maapektuhan ng kaguluhan ang Addis Ababa habang papalapit ang rebeldeng grupo na Tigray People’s Liberation Front. —sa panulat ni Drew Nacino