Nanawagan ang Quirino Memorial Medical Center sa mga hindi pa nababakunahang close contact ng COVID-19 patients na sumali sa ikatlong yugto ng pag-a-aral sa mga epekto Molnupiravir bilang gamot kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Joel Santiaguel, Clinical Investigator ng QMMC pinahigpit ang requirements sa third phase ng clinical trials ng Molnupiravir na kinabibilangan ng exposure sa kahit isang miyembro lamang ng bahay na mayruong COVID-19 patient.
Inihayag ni Santiaguel na hindi u-ubrang isali sa third phase ng clinical trials sa Molnupiravir ang mga nabakunahan na, kung ang pasyente ay positibo na o kung masyadong marami sa bahay ang nag positibo sa COVID-19.
Ang Molnupiravir ay kauna unahang oral anti viral drug na nakikitang pipigil sa mild to moderate cases ng COVID-19 para lumala pa o dumating sa puntong ma ospital ang pasyente.