Muling nakapagtala ang Department of Health ng mataas na daily COVID-19 death toll.
Sa pinahuling datos ng DOH, umabot sa 188 ang pumanaw kahapon kaya’t lumobo pa sa 48,205 ang kabuuang bilang ng namatay.
Karagdagang 889 COVID-19 cases ang naitala dahilan upang lumobo sa 2,831,177 ang total cases.
Tinaya naman sa 1,667 ang gumaling kaya’t sumampa na sa 2 million 765 thousand 920 ang recoveries.
Samantala, sumadsad na sa 17,052 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino