TINUTULAN ng isang senador ang dagdag na bayarin sa passport renewal na ipinataw sa mga overseas Filipino workers o OFWs at iba pang mga Pilipino sa ibayong dagat.
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, ang desisyon ng mga embahada at konsulado ukol sa paggamit ng mga outsourcing companies para sa pagre-renew ng pasaporte ay dagdag-gastos sa mga nahihirapang Pinoy ngayong panahon ng pandemya.
Kabilang sa mga apektado nito ay ang mga OFWs at iba pang mga kababayan natin sa Gitnang Silangan, Europa, Asya, at Estados Unidos.