Naaresto na ng mga otoridad ang apat na most wanted person sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Kinilala ang mga wanted na sina Jaymil Manalili, 27-anyos; Francis De Leon Ariola, 23-anyos; Kenneth Masong, 25-anyos; at Jestony Demetrio, 31-anyos.
Sa impormasyong nakuha ng SJDM Police, naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa RTC branch 19,9,12 at 21 sa Malolos City na isinilbi ng mga otoridad sa magkakahiwalay na lugar sa naturang lungsod.
Sinasabing si Manalili ay may kasong robbery, si De Leon ay nahaharap naman sa R.A 6539 na may 5 counts o anti-carnapping law of 1972, si Masong ay nahaharap naman sa violation of section.11, Article II of Republic Act na walang piyansa habang si Demetrio naman ay nahaharap sa kasong rape-2 counts.
Nakakulong na ngayon sa SJDM Custodial Facility ang mga naarestong wanted. —sa panulat ni Angelica Doctolero