Hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 ang nasa 3-M senior citizens sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 62% pa lamang ng mga senior citizen ang naturukan ng COVID-19 vaccines.
Batay sa National COVID-19 vaccination dashboard hanggang nitong November 27, nasa 4.4-M senior citizens na ang nakatanggap ng first dose habang 5.1-M ang fully vaccinated na.
Nasa 48,491 na mga senior citizen naman ang bilang naman ang nakatanggap na ng booster dose.
Tiniyak naman ni Galvez sa publiko na nagpapatupad ng mga istratehiya ang LGU’s tulad nang pagbibigay ng incentives at pagbabahay-bahay sa pagbabakuna sa mga senior citizen.
Makakatulong rin aniya ang pagpapatupad ng restrictions sa galaw ng mga hindi pa bakunado upang mahikayat ang mga matatanda na magpabakuna na kontra COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico