Nakahanda na ang Pilipinas sa pagsasagawa ng 3-day vaccination drive.
Ayon kay vaccine Czar Carlito Galvez Jr., layon nito na mabakunahan ang 9 na milyong Pilipino kontra COVID-19.
Aniya, nasa 8,000 vaccination sites ang binuksan habang nasa 20,000 volunteer naman ang naka-deploy para sa vaccination drive ng pamahalaan.
Samantala, tiniyak ni Galvez na sapat ang mga hiringgilya para sa isasagawang “Bayanihan, Bakunahan” sa bansa.