Sinang-ayunan ng mga alkalde ng Metro Manila ang pagbabalik nang number coding scheme sa NCR ngayong Linggo.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA chairman Benhur Abalos, ipatutupad ito simula Lunes hanggang Biyernes mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi at sasaklawin lamang nito ang mga pribadong sasakyan.
Gayunpaman, hindi kasama sa scheme ang mga pampublikong transportasyon dahil limitado pa rin ang kapasidad nito sa ilalim ng alert level.