Ipinatupad na ng Bureau of Immigration (BI) ang updated red list alinsunod sa direktiba ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases laban sa Omicron variant.
Ayon kay B.I. Commissioner Jaime Morente, nadagdag sa red list countries ang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy epektibo hanggang Disyembre 15.
Una nang inilagay sa red list ang South africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.
Hindi na anya papapasukin ng Pilipinas ang mga biyaherong magmumula sa mga nabanggit na bansa.
Nilinaw naman ni Morente na bagaman pinapayagan ang overseas filipinos na umuwi, sasailalim pa rin ang mga ito sa health protocols na itinakda ng bureau of quarantine.—sa panulat ni Drew Nacino