Naglunsad na ng imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) Sa pagkalat ng mga text scam na nag-aalok ng mga trabaho at investment schemes.
Inaalam ng NPC Kung sinasala ba ng mga telecommunication company at payment platforms ang lahat ng datos at impormasyon kaugnay sa text spams.
Lumikha na rin ng inter-agency group upang labanan ang text spams at smishing.
Inatasan naman ng NPC Ang globe telecom, smart communications at dito telecommunity na magsumite ng mga dokumento at impormasyon ng kani-kanilang data flows at transaksyon kaugnay sa data aggregators sa loob ng limang araw.
Nagpadala rin ang ahensya ng kahalintulad na utos sa Union Bank of the Philippines at Globe Fintech na operator ng mobile wallet G-CASH, na karaniwang ginagamit ng mga scammer na payment channel kung saan nag-de-deposito ang kanilang mga biktima. —sa panulat ni Drew Nacino