Patuloy ang pagsisikap ng Lanao del Sur LGU na mapataas ang kanilang vaccination rate.
Sa ngayon kasi ay nasa 8.7% o 60,500 pa lamang ng target population ang nababakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., target nila na mabakunahan ang tatlong daang populasyon ng lalawigan.
Aniya, isa sa posibleng dahilan ng mababang vaccination rate ay ang maling impormasyon hinggil sa bakuna kaya natatakot ang mga residente na magpabakuna.
Bilang tugon dito, nagpakalat na ang LGU ng informative tarpaulins hinggil sa bakuna upang sabihin na ligtas ang COVID-19 vaccines habang ang ilang munisipalidad naman ay nagbibigay ng insentibo upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna..—sa panulat ni Hya Ludivico