Kapwa may pananagutan ang Armed Forces of the Philippines o AFP gayundin ang New People’s Army o NPA sa walang habas na pagpatay sa mga katutubong Lumad sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Commission on Human Rights o CHR Chairman Chito Gascon sa harap ng mga katutubong nagkakampo sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Gascon na tila biktima ng tug of war sa pagitan ng militar at ng mga rebelde ang mga Lumad dahil sa pinapatay kapag hindi umaanib sa kanilang hanay ang mga ito.
Sa panig naman ng mga Lumad, sinabi ni Jomorito Goaynon, pinuno ng Lumad organization na Kalumbay na handa nilang ipaunawa at ilahad sa publiko ang kanilang sitwasyon lalo na sa Mindanao.
By Jaymark Dagala