Hindi pa kailangang ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng faceshield ayon sa isang opisyal ng Department of Health.
Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, na nananatiling mababa ang transmission level ng COVID-19 sa bansa kahit na may banta ng Omicron variant.
Dagdag pa ni De Guzman, sapat na ang naibibigay na proteksyon ng facemasks.
Magugunitang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na muling ipatutupad ang faceshield policy sakaling makapasok sa bansa ang COVID-19 variant na Omicron.
Sa ngayon, boluntaryo pa rin ang pagsusuot ng faceshield sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2 gaya ng NCR.—mula sa panulat ni Joana Luna