Epektibo na bukas, December 1 ang implementasyon ng modified number coding scheme sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, ipatutupad lamang ang modified scheme kung saan sakop lamang ang mga pribadong sasakyan, tuwing afternoon rush hour na mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Hindi naman kabilang sa number coding scheme ang mga PUV tulad ng tricycles, TNVS, motorcycles at iba pang sasakyang may kargang essential at perishable goods.
Paliwanag ni Abalos, kaya hindi kabilang ang PUVs sa naturang scheme dahil nananatiling limitado ang passenger capacity nito sa Alert Level 2 na posibleng maging dahilan ng mahabang pila ng mga pasahero.