Muling nakapagtala ng below 1,000 COVID-19 cases sa bansa, kahapon.
Sa pinaka-huling datos ng Department of Health (DOH), umabot lamang sa 425 ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang nakapagtala ng 909 recoveries at 44 deaths.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang COVID cases sa Pilipinas, sa nakalipas na 17 buwan o simula noong July 2020.
Sumadsad naman sa 15,800 ang aktibong kaso habang sumirit sa 2, 832,734 ang total cases; 2,768,389 ang recoveries at 48,545 ang death toll.
Samantala, apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system. —sa panulat ni Drew Nacino