Inilabas na ng Professional Regulation Commission ang listahan ng mga nakapasa sa nagdaang Licensure Examination for Teachers (LET) sa elementarya at sekondarya.
Nasa 4,883 na mga guro sa elementarya o 55.96 percent ang nakapasa mula sa 8,726 na mga examinees sa LET noong september 26.
Ayon sa P.R.C., aabot naman sa 10,318 na mga guro sa sekondarya o 57.76 percent ng 17,863 examinees ang nakapasa rin.
Itinakda ang pagpaparehistro para sa pagbibigay ng Professional Identification Card at Certificate of Registration sa January 6, 7, 10, 13, 14, 17, 20, 21, 24, 27, 28 at 31 ng susunod na taon.
Nakatakda namang i-anunsyo ng P.R.C. sa mga susunod na araw ang petsa ng oathtaking ceremony ng mga let passer. —sa panulat ni Drew Nacino