Hindi napigilang mainis ng kapatid ni Maine Mendoza o mas kilalang si Yaya Dub ng Eat Bulaga sa nangyari sa twitter account ng kapatid.
Kaninang madaling araw kasi ay na-hack ang twitter account ni Maine ng isang nagpakilalang Anonymous Philippines.
Ikinagulat ng mga followers ni Yaya Dub nang lumabas sa account nito ang post ng isang link at larawan ng sinasabing Anonymous Philippines.
Sinundan naman ito ng isang post na nag-sosorry sa paggamit ng twitter account ni Maine at sinabing ibabalik din nila ito.
Samantala, sa bagong post ng sister ni Maine, sinabi nito na inaayos na ang twitter account ni Yaya Dub at nagpasalamat rin sa suporta ng mga followers ng kapatid.
By Krista de Dios