Aminado ang Malakanyang na hindi pa nakikita ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbaba sa alert level 1 ng quarantine status sa alinmang bahagi ng bansa.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, mayroon pa silang isinasapinal na parameters kaya’t hindi basta makapag-deklara ang gobyerno ng alert level 1.
Bukod pa anya ito sa banta ng omicron variant na posibleng pumasok sa bansa.
Nito lamang Lunes ay pinalawig ng I.A.T.F. ang alert level 2 sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa hanggang December 15.—sa panulat ni Drew Nacino