Problemado ngayon ang mga Pilipino kung papaano nila iraraos ang pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong patuloy parin ang banta ng mga virus sa bansa.
Ayon sa ilang mga vendors, lalong lumiliit ang kanilang kinikita dahil sa COVID-19 pandemic kung saan, hirap sila sa pagtabi ng budget para paghandaan ang pasko.
Bukod pa dito, nababaon narin sa mga utang ang ilang mga pinoy dahil wala paring mga trabaho habang mabagal naman pagbubukas ng mga establisyimento sa bansa.
Dahil dito, posibleng kalimutan nalang muna ng mga pinoy ang pasko at ituon na lamang kung paano iraraos ang pang araw-araw nilang gastusin lalo pa ngayong may bagong virus na Omicron variant. —sa panulat ni Angelica Doctolero