8 miyembro ng New People’s Army o NPA ang patay habang iba’t ibang matataas na uri ng mga armas ang nasamsam ng mga tropa ng Army’s 3rd Infantry Division sa bahagi ng Miag-ao, Iloilo.
Ayon kay Army’s 3rd Infantry Division Commander M/Gen. Benedict Arevalo, nangyari ang bakbakan dakong ala sais kaninang umaga na tumagal ng hanggang matapos magtanghali.
Nakatanggap aniya ng sumbong ang Militar mula sa mga residente ng Brgy. Alimodias hinggil sa presensya ng mga armadong grupo sa kanilang lugar, dahilan para rumesponde rito ang tropa ng Pamahalaan.
Pagsapit sa magubat na bahagi ng nasabing lugar ay duon na sumiklab ang bakbakan kung saan duon din natagpuan ang labi ng may 8 rebelde at nakuha rin ang mga armas nila tulad ng M-16 rifle, AK-47 rifle, 4 na landmines, granada at iba pang mga kagamitan.
Dagdag pa ni Aevalo, nabatid ng Militar na ang mga ginagawang pag-iikot ng Communist Terrorist Group (CTGs) ay bahagi ng kanilang tactical offensives kaalinsabay ng nalalapit na ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre a-26A.