Isinasapinal na ng gobyerno ang guidelines para sa pagbibigay ng Covid-19 booster shots sa lahat ng adult population.
Ito’y sa gitna ng banta ng bagong variant ng Covid-19 na Omicron.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, naghahanda na ang gobyerno sa pagbibigay ng vaccine booster sa adult population sa mga susunod na araw.
Naaprubahan na kasi aniya ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakunang gagamitin na booster shot.
Una nang sinimulan ang pagbibigay ng vaccine booster sa mga health workers at immunocompromised individuals.