Inihayag ng Facebook-parent meta na inalis nila ang Anti-Covid Vaccine Campaign na nagpapakita ng pangha-harass sa mga medical frontliners, mamamahayag at mga nahalal na official dahil sa panggigipit mula sa maling impormasyon na nauugnay sa pandemya.
Ayon sa Meta, inalis nila ang ilang mga account sa France at Italy na nauugnay sa isang conspiracy movement na tinatawag na ” V-V ” kung saan ang mga post ng pro-vaccine ay binaha ng maraming komento.
Bukod dito, hinaharass din ng mga sumusuporta sa ” V-V ” ang mga indibidwal na gumagamit ng Youtube, Twitter, Vkontakte at iba pang online platforms. Gamit ang mga swastika o iba pang mga larawan pati na rin ang pagtawag sa mga doktor at manggagawa sa media na “mga tagasuporta ng Nazi”.
Samantala, sinisikap na ng naturang kumpanya na lutasin at kontrahin ang mga maling impormasyon at panghaharass sa mga nasabing indibidwal gamit ang nasabing online platform. —sa panulat ni Airiam Sancho