Ibinahagi ng dating alkalde ng bayan ng Candaba, Pampanga na si Jerry Pelayo ang malaking problema na idinudulot ng online sabong sa mahihirap nilang kababayan.
Aniya, ikinabahala ng kanilang pamilya ang masamang epekto na dulot nito matapos magpakamatay ang isa nilang kaanak na umano’y nabaon sa utang dahil sa “talpakan”.
Nauwi rin sa pagnanakaw ang lalaki nilang kasambahay na apat na taon nang naninilbihan sa kanilang pamilya dahil sa nasabing sabong.
Binigyang diin naman niya na karamihan sa mga mananaya sa e-sabong ay mga mahihirap na nagbabakasakaling manalo at kumita ng pera kung saan aniya ang ibinigay na 4Ps o ayuda ng gobyerno ay ginamit lamang bilang pantaya.
Samantala, sinabi naman ni Pelayo na posibleng mapigilan ang e-sabong kung ito ay gugustuhin. —sa panulat ni Airiam Sancho