Binalaan ang ilang Local Government Units LGUs kaugnay sa mga na-expired na doses ng astrazeneca vaccine nito lamang 30 ng Nobyembre.
Nasa 1.5 milyong Astrazeneca vaccine na dinonate at i-dineliver sa Pilipinas nuong huling bahagi ng Oktubre ang napaso.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na karamihan sa bakuna ay naiturok subalit may ilang daan ang hindi nagamit bago o sa mismong araw ng Nobyembre 30.
Aniya, kailangang makapagbigay ng katanggap-tanggap na dahilan ang mga concerned LGUs sa pagkakaantala sa pagtuturok ng bakuna hanggang sa napaso’ o na-expired na ang mga ito.
Sinabi pa ni Herbosa, may ilang lokalidad ang nakatanggap din ng kaparehas na batch ng COVID-19 shots kung saan naiturok ang mga doses sa itinakdang oras.
Gayunpaman, tiniyak ni Herbosa na magiging well distributed ang mga bakuna batay sa kapasidad ng LGUs.