Muling nakapagtala ng panibagong 61 pagyanig ang bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng 27 volcanic tremor events sa paligid ng nasabing bulkan na tumagal ng 24 na minuto.
Sinabi din ng PHIVOLCS na umabot sa 700 meters ang ibinugang plumes ng bulkang Taal at nananatili itong nasa Alert level 2.
Dahil dito, nagpaalala ang PHIVOLCS na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone ng Taal volcano. —sa panulat ni Angelica Doctolero