Dehado ang mga mahihirap na kandidato sa darating na halalan sa ikinasang advertisement ban ng Google pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022.
Ayon kay Lente Executive Director Atty. Ona Caritos, mahihirapan ang mga maliliit na kandidato na ipakilala ang kanilang sarili sa publiko lalo na’t wala silang kakayahan para sa tradisyunal na pangangampanya.
Sinabi naman ng election lawyer na si Atty. Emil Maranon na mas magiging limitado ang puwang para sa pangangampanya ng maliliit na kandidato lalo pa’t mayroong mga ipinatutupad ang restrictions dahil sa covid-19.
Matatandaang sinabi ng Google na ihihinto nito ang pagtanggap ng election ads na binayaran sa Google ads, display, video 360, at shopping platforms mula February 8, 2022 hanggang May 9, 2022. —sa panulat ni Hya Ludivico