Maaari pang maghain ng petisyon para sa diskwalipikasyon ng isang kandidato hanggang sa proklamasyon.
Ito ang tugon ni COMELEC Spokesman James Jimenez sa gitna ng panibagong disqualification cases laban kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang mga nag-file ng petisyon ay ang Akbayan Partylist, kasama ang ilang sectoral leaders at martial law victims, na iginiit ang pagdiskwalipika kay Marcos dahil sa 1995 tax evasion conviction nito.
Tinukoy ng mga petitioner ang 2012 supreme court (SC) decision sa Jalosjos Junior versus COMELEC, kung saan nanindigan ang SC na dala ng election body ang constitutional duty na Motu Propio, pagbawalan ang mga kandidato sa pagtakbo sa kung sila ay diskwalipikado, kagaya ni Marcos.
Nag-file rin ng disqualification case si National Commission for Muslim Filipinos Commissioner Abubakar Mangelen, na lehitimo umanong chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa rasong null and void ang Certificate of Nomination and Acceptance sa dating senador dahil hindi umano ito miyembro ng PFP. —sa panulat ni Drew Nacino