Sisimulan na ngayong araw ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa lahat ng fully vaccinated na nasa hustong gulang.
Ayon sa Department of Health, gagamitin bilang booster ang Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik at Janssen sa naturang age group.
Mag-i-issue naman ng operational guidelines ang National Vaccination Operations Center para sa implementasyon ng booster shots sa bansa.
Nobyembre a-22 nang simulang bakunahan ng booster ang mga senior at immuno-compromised individual habang Nobyembre a-17 inilarga ang pagtuturok sa healthcare workers. —sa panulat ni Drew Nacino