Siguraduhin dapat ng Commission on Higher Education (CHED) ang tamang bentilasyon sa mga paaralan at sapat na pasilidad upang makasunod ang mga school personnel sa health protocols sa halip na pagbawalan na lumahok sa face-to-face classes ang mga hindi pa bakunado vs. COVID-19 na mga guro at estudyante.
Ito ang inihayag ni ACT Teachers Representative France Castro kaugnay ng polisiya ng CHED na tanging mga fully vaccinated lamang na school personnel at estudyante ang papayagan sa face to face classes.
Aniya, hindi dapat ang mamamayan ang pinaparusahan kung hindi pa ito bakunado dahil marami pa rin ang walang access sa bakuna lalo na sa mga probinsya at ang pagpapatupad ng ganitong klasemg patakaran ay lalo aniyang maglilimita sa access ng mga mag-aaral sa mga lugar na mahirap ang internet connection at iba pang resources para sa pag-aaral sa kolehiyo.
Giit ni Castro, paigtingin ang information drive kaugnay sa COVID-19 vaccines upang makumbinsi ang taong bayan sa pagbabakuna sa halip na takutin sa ganitong paraan. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)