Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko na magsagawa na lamang ng virtual christmas party para maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit na bumababa na ang kaso sa Pilipinas ay kailangan pa rin mag-ingat lalo na’t may banta ng bagong COVID-19 Omicron variant.
Ayon kay Vergeire, kung magsasagawa man ng in-person celebrations, dapat mahigpit na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.
Kailangan din aniya fully vaccinated ang lahat ng dadalo sa nasabing party, isagawa ito sa open space at panatilihing nakasuot ang facemask at social distancing.
Samantala, umaasa ang kagawaran na bago matapos ang taon ay patuloy na bababa ang naitatalang kaso sa bansa.