Hinihikayat ng health department ang lahat ng mga overseas filipino workers (OFWs) na maaari nang magpaturok ng booster shots ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni DOH Sec. Myrna Cabotaje, ito ang mga OFWs na nabakunahan sa ibang bansa na nakauwi na ng Pilipinas.
Dagdag ni Cabotaje, kailangan anim na buwan na silang nabakunahan bago tumanggap ng naturang booster shots.
Bukod dito, pwede rin mamili ng brand ng COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila bilang booster shot ngunit depende ito sa availability ng bakuna.