Naitala ng PAGASA ang pinakamababang temperatura sa kasalukuyan sa Metro Manila at Baguio City dulot ng amihan.
Bumagsak sa 20.4 degrees celsius ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City, dakong ala sais kinse ng umaga habang umabot sa 11.4 °C sa Baguio alas kwatro singkwenta ng madaling araw kahapon.
Bumaba naman sa 17 degrees celsius ang temperatura sa Basco, Batanes; 17.7 sa Tanay, Rizal; 18.8 sa Casiguran, 20.6 sa Baler, Aurora; 19 degrees celsius sa Tuguegarao, Cagayan;
19.1 °C sa Abucay, Bataan; 19.6 sa San Jose, Occidental, Mindoro habang 20 °C sa Malaybalay, Bukidnon. —sa panulat ni Drew Nacino