Kinumpirma ng World Health Organization na kalat na sa mahigit apatnapung bansa ang Omicron variant ng Covid-19.
Gayunman, nilinaw ni WHO Spokesperson Christian Lindmeier (lin-ma-yer) na wala pang namamatay sa naturang covid strain.
Gumagawa na rin aniya ng mga paraan ang mga vaccine manufacturer upang i-adjust ang kanilang mga produkto laban sa Omicron variant.
Hinimok naman ng opisyal ang publiko na iwasang mag-panic sa pagkalat ng panibagong variant lalo’t maaga pa upang sabihing hindi ito tinatablan ng bakuna.
Sa mga bansang nakapagtala ng omicron, pinaka-marami sa South Africa, na nakararanas ngayon ng 4th wave ng Covid pandemic dahil sa bagong variant. — Sa panulat ni Hya Ludivico