Hindi natitinag ang Pilipinas sa 2021 Asia Power Index ng Lowy Institute makaraang mapako sa ika-16 na pwesto mula sa 26 na bansa.
Ang Power Index ang sukatan ng kapangyarihan ng mga bansa pagdating sa lawak ng impluwensya, military at economic capability, geopolitical security at nuclear deterrence o kakayahang pumigil ng nuclear attacks.
Umani ng 13.1 points ang Pilipinas sa nasabing listahan kasunod ang North Korea, Brunei, Bangladesh, Sri Lanka, Myanmar, Cambodia, Laos, Mongolia, Nepal at Papua New Guinea.
Nangunguna pa rin ang U.S. na sinundan ng China, Japan, India, Russia, Australia, South Korea, Singapore, Indonesia at Thailand habang pasok sa 11th ang Malaysia kasunod ang Vietnam, New Zealand, Taiwan at paksitan.
Dahil dito, itinuturing ng Lowy Institute ang Pilipinas bilang middle power na mayroong Moderate Influence at International Recognition. —sa panulat ni Drew Nacino