Mas gumaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila sa mga unang araw ng implementasyon ng Modified Number Coding Scheme.
Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center Head Neomie Recio, naging mas maayos ang daloy ng trapiko sa hapon kumpara sa morning rush hour.
Base anya sa kanilang obserbasyon ay hindi tumatagal ang traffic bottleneck mula alas-3hanggang alas -4 ng hapon simula nang ibalik ang Number-Coding Scheme.
Nasa 51 private motorists pa lamang ang nasita dahil sa paglabag sa traffic scheme noong isang linggo.
Magugunitang ipinatupad muli ng MMDA ang number coding scheme para lamang sa private vehicles mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. —sa panulat ni Drew Nacino