Inihayag ng anak ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. na si Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos na mahalaga ang papel ng mga kabataan sa pagkakaisa ng bansa.
Naging mainit ang pagtanggap ng libu-libong taga-suporta ng BBM-Sara UniTeam kay Sandro na kumatawan sa kanyang ama sa isang malaking pagtitipon na ginanap sa Bukidnon.
Ayon sa panganay na anak ni Bongbong, normal na makaramdam ito ng pressure lalo na’t malaki ang posibilidad na maikumpara siya sa kanyang Lolo at Tatay na parehong nasa politika.
Para kay Sandro, gusto niyang magkaroon ng sariling istilo ng pamumuno at sisikapin din niya na matumbasan o mahigitan ang mga nagawa ng kanyang ama at lolo.
Humingi ng paumanhin ang batang Marcos dahil hindi nakadalo ang kanyang ama na si BBM, gayundin ang running-mate nito na si Inday sara sa pagtitipon.
Gayunman, ipinangako ni Sandro na sa susunod na pag-organisa para sa BBM-Sara UniTeam ay siguradong darating ang inaabangang tambalan sa Bukidnon