Naniniwala ang mga mamamayan na sumailalim sa pamamalakad ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos na manunumbalik lamang ang pamamayagpag ng bansa kung pamumunuan ito ng kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Ito ang idinaing ni Adriano Garduce, 72, na napag-iwanan ang Pilipinas dahil sa pamumulitika at vested interest ng mga sumunod na administrasyon mula 1986.
Habang, tinawag naman ng iba pang senior citizens ang mga kritiko ng Marcos administration na ipokrito na nakikinabang sa mga nagawa ng dating Pangulo.
Ngunit itinatangging ang panahon niya ang “finest moment in Philippine history.”
Samantala, pinuri ng ilang mga senior citizen ang mga infrastructure projects ni namayapang Pang. Marcos, tulad ng mga expressways, highways at byways na nagdugtong-dugtong sa mga isla ng Pilipinas.