Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na nasusunod ang lahat ng health protocols sa pagsisimula ng face-to-face classes ngayong araw.
Ayon kay Dr. George Tizon, Taguig City Education Office Chief, katuwang ang DOH, DepEd at ilang representative mula sa City’s Health Office ng DepEd Taguig-Pateros,
Isang pamantayan ang kanilang binuo para matiyak na ligtas ang pagsasagawa ng face-to-face classes.
Aniya, siniguro nilang ang pamantayan na ito ay kalidad, epektibo at naaayon sa international standards.
Dalawang public elementary schools sa Taguig City ang nakilahok sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Metro Manila.