Iginiit ng Department of Education (DEPED) na dapat ikunsidera ang sapat na bilang ng mga classroom sakaling magbalik na sa mga paaralan ang mga estudyante sa lahat ng baitang na kalahok sa limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni DEPED Undersecretary Nepomuceno Malaluan matapos ang unang araw ng limitadong implementasyon ng face to face classes.
Aminado si Malaluan na posibleng mahirapang i-accommodate ang single class sa umaga at hapon kapag nag-full scale classes na ang lahat ng grade levels.
Isa anya sa kanilang nakikitang solusyon ay magsagawa ng klase para sa mga alternatibong araw.
177 paaralan, kabilang ang 28 public school sa Metro Manila, ang pinayagan ng deped na makibahagi sa pilot run ng face-to-face classes simula kahapon.—sa panulat ni Drew Nacino